~~~ *_^[[cHiC_ySa.18.]]*_^ ~~~

*^* eSwHy haS sOmEthIn' sHe gOt tO cHaNge... sO bEtteR wAtcH oUt! *_^

Sunday, July 03, 2005

aLaY sA cHoC-nUt...cHoCoL8 nG mGa LoKaliStA!

Ang sarap-sarap ng Choc-nut na ‘to
Binubuksan ko pa lang
Naglalaway na ‘ko
Di na nga ‘ko magkand ugaga
Sa pagpunit ng papel na ballot e.
Sa pagkahayok tuloy
Choc-nut muntik nang
Malapirot.
Leche!
Kapag lumabas na
Ang ballot mong palara
Ayan na, malapit na.
Alam kong matitikmn na rin kita
Lasa mong kakaiba.
Diyos ko, salamat talaga!
Dahan-dahan kong bubuksan
Makikita ang ‘yong kahubaran.
Haaaay! Langit!
Anong kasayahan!
Iningatan kong huwag madurog
Hinawakang parang itlog
Saka inilapit sa bibig ko
Ang kaaya-ayang bisyo.
Tang-ina!
Nalaglag pa’ng isang piraso!
Sayang.
Pupulutin ko na lang.
Aba, graasya rin ‘to ‘no.
Kaya bago pa mangalaglag,
Please lang huwag!
Isinubo ko lahat
Buong Choc-nut!
Kaahkk! Kwwaakkh!
Aaakh!
Tuloy, akoy napaubo,
Sa lakas ng pagkakasubo.
Tubig! Tubig!
Dali-dali akong tumakbo
Sa kusina para uminom
Ng tubig na malamig,
Glug…glug…glug.
Aaaaaahhhh….
Glug…glug….
Uhmmm….
Putang Choc-nut ‘to
Papatayin pa ‘ko.


maraming salamat...gLeNn aLa!

1 Comments:

At 5:40 AM, Blogger G said...

Hi Ellyssa, this is Glenn. Thank you for posting this and acknowledging me. Never thought I'd see this poem again, much less see it online! Hahaha.

Please feel free to stop by my blogsite - http://thegspotonline.blogspot.com and my poetry site - http://thechronicleofchange.blogspot.com

Thanks again!

 

Post a Comment

<< Home

Talk in my flooble chatterbox!